^

Probinsiya

Ex police na killer ng 2 Comelec officer timbog

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang isang dating pulis na pangunahing suspek sa kasong pagpatay sa dalawang legal officer ng Comelec noong 2007 at 2008 sa Metro Manila matapos itong matisod sa anti-drug operations sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang  suspek na si dating PO1 Basser Bato Ampatuan, 39 anyos ng Cotabato City na natimbog sa anti-drug bust operation sa Tart’s Diner sa panulukan ng Juna Luna Street, Davao City dakong alas-9:45 ng gabi.

Sa ulat ni Davao City Police Director P/Sr. Supt. Ronald de la Rosa, dahilan sa pagkakaaresto kay Ampatuan ay nadiskubre ang high profile na kasong kinasasangkutan nito sa pananambang at pagkakapatay sa dalawang legal officer ng Comelec sa Metro Manila.

“Our campaign against illegal drugs resulted to the solution of different crimes,” ani de la Rosa.

Noong Nobyembre 2007, si Atty. Alioden Dalaig, noo’y pinuno ng Comelec Law Department ay napaslang sa ambush sa Ermita, Manila.

Samantalang noong Marso 29,2008 ay nasawi rin sa ambush ng motorcycle riding in tandem sa Intramuros, Maynila si Wynne Asdala na pumalit kay Dalaig.

Nasakote si Ampatuan noong Abril 15, 2008 ng mga elemento ng pulisya sa Shariff Kabunsuan at ibiniyahe sa Metro Manila na matapos na makulong sa Camp Bagong Diwa ay ipinag-utos ng korte na palayain matapos na magpiyansa at kinasuhan din ng administratibo ng PNP.Ayon kay de la Rosa ang suspek ay sinampahan din nila ng kasong paglabag sa Comprehensive Anti Dangerous Drugs Act of 2002 sa Davao City Prosecutor’s Office.

ALIODEN DALAIG

AMPATUAN

BASSER BATO AMPATUAN

CAMP BAGONG DIWA

COMELEC

COMELEC LAW DEPARTMENT

COTABATO CITY

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE DIRECTOR P

DAVAO CITY PROSECUTOR

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with