Grinipuhan sa sayawan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Sinaksak at napatay ang 25-anyos na lalaki ng mag-utol na senglot na gumulpi sa kapatid at bayaw ng una sa Barangay Matangao sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot pa ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Adrian Christopher Octa habang tinutugis naman ng pulisya ang mag-utol na suspek na sina Lito Maligat at Lemuel Maligat. Sa police report, lumilitaw na napagtripan ng mga suspek na gulpihin ang kapatid at bayaw ng biktima sa loob ng sayawan. Tinangkang awatin ng biktima ang kaguluhan subalit siya ang sinaksak sa leeg.

Show comments