Pinabulagta sa bilyaran

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 27-anyos na lalaki na sinasabing may kinalaman sa naganap na kaso ng holdapan sa gasolinahan ang binaril at napatay ng di-kilalang lalaki habang ito ay nanonood ng laban sa bilyaran sa Barangay Sabang, Cabugao, Ilocos sur. Lumalabas sa imbestigasyon ni P/Senior Insp. Rodel Olarte na tumayo sa tabi ng biktimang si Erwin “Akyat” Acedo ang gunman bago isinagawa ang pamamaslang. May teorya ang pulisya na pinatahimik ang biktima upang hindi nito isiwalat ang kanyang mga nalalaman sa modus operandi ng holdaper.

Show comments