7 tulak-droga arestado

BULACAN, Philippines   - Rehas na bakal ang binagsakan ng pito-katao na sinasabing mga notoryus na drug pusher makaraang maaresto sa inilatag na buy-bust operation sa magkakahiwalay na bayan sa Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Wilfredo Peligro ng Brgy. Caingin, Bocaue; Catherine Cundangan ng Brgy. Burol 2nd; Redentor “Bote” Catiis ng Brgy. Santol; Noel Mariano ng Brgy. San Juan; Jan-Jan Claro ng Brgy. Burol 1st; Reynante Calalang ng Brgy. Burol; at si Jervy Raymundo ng Brgy. Bulihan, Plaridel. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Diosdado Iniego, nasamsam sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu, drug paraphernalia na nagkakahalaga ng P14,000.

Show comments