Tinedyer pisak sa SUV

MANILA, Philippines -  Halos napisak ang katawan ng 15-anyos na binatilyo matapos itong masagasaan ng sports utility vehicle sa kahabaan ng highway sa Barangay del Carmen, Bayugan City sa Agusan del Sur kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Butuan City Hospital ang biktimang si Ricky Oliva matapos mahagip at makaladkad ng Mitsubishi Montero (TOT 485) ni Angelito Sabada. Napag-alamang tumatawid ang biktima nang hindi nito napansin ang humahagibis na sasakyan ni Sabada na patungo sana sa Butuan City. Nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay sa tinamong malubhang sugat sa katawan. Inaresto naman ng pulisya ang driver na si Sabada na ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal.

Show comments