^

Probinsiya

Amok sa b-day party: Seaman dedo sa pulis

- The Philippine Star

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines   – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 31-anyos na seaman makaraang mabaril ng mga operatiba ng pulisya dahil sa paghuhuramentado sa birthday party sa Barangay Turod Sur sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang ang napatay na si Ronald Dagdag, may asawa at nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa police report na nakarating kay Isabela PNP director P/Senior Supt.  Frank Mabanag, humingi ng tulong ang birthday celebrant na si Engr. Jesus Javier sa pulisya matapos sumugod at mag­huramentado si Dagdag na sinasabing hindi naman naimbitahan.

Kaagad naman dinispatsa ang pangkat ng pulisya subalit bago pa man lapitan para kausapin ay itinutok ni Dagdag ang kanyang baril sa mga alagad ng batas.

Dito na nagkaagawan ng baril ang mga pulis laban kay Dagdag hanggang sa mabaril at mapatay ang nabanggit na seaman.

Nabatid na tumilamsik naman ang mga dugo ni Dagdag sa mga inihaing putahe sa birthday party habang nagtakbuhan naman sa iba’t ibang direksyon ang mga bisita ni Javier.

Napag-alamang bago mapatay ang seaman ay inireklamo na ito ng kanyang mga kaanak dahil sa nagpapaputok ng baril kung saan niratrat ang nakababatang kapatid nito subalit hindi tinamaan.

vuukle comment

BARANGAY TUROD SUR

DAGDAG

DITO

FRANK MABANAG

ISABELA

JAVIER

JESUS JAVIER

RONALD DAGDAG

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with