^

Probinsiya

P2-M para makapuga... Laciste: Pinatakas kami

- Raymund Catindig - The Philippine Star

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines  - Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya ang puganteng si Rommel La­ciste matapos na masakote sa kanyang pinagtataguang kubo sa Barangay Surcoc sa bayan ng Naguilian, Isabela kahapon ng tanghali.

Ayon kay Isabela PNP Director P/Senior Supt. Franklin Mabanag, kinumpirma ni Laciste na kasama niya si convicted road rogue killer na si Rolito Go at tatlo pang Tsinoy sa kanilang pagpuga sa bilibid noong Miyerkules ng Agosto 15.

Pinaniniwalaang sabwatan ng mga big-time pri­soners at mga guwardiya ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kaya nakapuga si Laciste kung saan pinasakay sa container van palabas ng bilangguan at nagkanya-kanya nang lakad matapos silang ibaba sa bahagi ng Baclaran sa Parañaque City.

Ayon kay Laciste, nagbayad ng P2 milyon ang mga puganteng Intsik sa mga nagbabantay sa kanila sa bilangguan, bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Mabanag hangga’t hindi pa nila makukumpirma ang katotohanan, kung talagang nawawala nga sa bilibid ang tatlo pang Tsinoy.

Napag-alaman na isa sa mga kasama nina Laciste at Go ay ang prominenteng personalidad na nasangkot sa big-time drug trafficking noong 2011.

Nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo si Laciste sa pagpatay sa isang probation officer ng Board of Parole at tricycle driver na kanyang isinama sa pagtakas noong 2006.

Inilatag ng pulisya ang operasyon laban kay Laciste sa hindi kalayuan sa Barangay Palutan, San Mariano, Isabela at sa lugar ng kanyang misis sa Barangay Villa Concepcion sa Cauayan City.

Pinaniniwalaang tumakas si Laciste upang tumang­gap ng job order ng pagpatay ng ilang perso­nalidad sa Isabela at balikan ang huwes na nagsintensiya sa kanya ng habambuhay.

Hindi naman nanlaban ang pugante matapos harangin ng pulisya ang sinasakyang traysikel.

Bukod kay Laciste, nasa kustodiya rin ng pulisya ang traysikel driver na si Rolando Cayaban na sinasabing inar­kila para gawing tagahatid sa Isabela City. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat

 

AYON

BARANGAY PALUTAN

BARANGAY SURCOC

BARANGAY VILLA CONCEPCION

BOARD OF PAROLE

CAUAYAN CITY

DIRECTOR P

FRANKLIN MABANAG

ISABELA

LACISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with