^

Probinsiya

Barko sumadsad: 200 pasahero, crew nailigtas

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot sa 200 pasahero at tripulante ang iniulat na nasagip makaraang sumadsad ang ferry boat na sinasabing nasiraan ng makina sa  baybaying dagat ng bayan ng Merida, Leyte kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sumadsad ang M/V Super Shuttle Ferry 15 matapos itong maglayag mula sa  Ormoc City patungong Cebu City bandang alas-9 ng gabi.

Nabatid na nawalan ng ilaw ang barko matapos huminto ang makina kung saan ay nagpalutang-lutang sa dagat hanggang sa sumadsad sa baybayin ng Merida.

Rumesponde naman ang Philippine Coast Guard at ilang ahensya ng lokal na pamahalaan sa Ormoc City at Isabel, Leyte matapos makatanggap ng distress call mula sa nasabing ferry boat.

Gamit ang tugboat ay nailigtas ang mahigit 200 pasahero at tripulante ng nasabing barko.

CEBU CITY

GAMIT

LEYTE

NABATID

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

ORMOC CITY

PHILIPPINE COAST GUARD

RUMESPONDE

UMAABOT

V SUPER SHUTTLE FERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with