Misis inutas sa harap ni mister

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Pinaniniwalaang asunto sa lupa ang isa sa motibo kaya tinaga at napatay ang 49-anyos na msis ng kanyang kaanak sa Barangay Disusuan sa bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Remedios Baria habang nasakote naman ang suspek na si Randy Gelek na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na sinamahan ang biktima ng kanyang mister na si Francisco upang makipagbati sa suspek kaugnay sa sinasabing asunto sa lupain ang pinagmulan ng hidwaan ng dalawa. Gayon pa man, nauwi sa mainitang pagtatalo ang pakikipagbati ng misis hanggang sa maganap ang krimen.

Show comments