Trader dinedo dahil sa utang

QUEZON, Philippines - Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng 42-anyos na negosyante matapos na pagsasaksakin ng helper ng sabungan kaugnay sa utang na hindi nabayaran kamakalawa ng hapon sa Barangay San Isidro Zone 2 sa Tayabas City, Quezon. Namatay habang ginagamot sa Tayabas Community Hospital si Jimmy Briones habang naaresto naman ang suspek na si Ranni Garcia, 42, ng Barangay Lita. Ayon kay SPO1 Wilfredo Martinez, dakong alas-5-30 ng hapon ay pinuntahan ng suspek ang bahay ng biktima para singilin sa pagkakautang. Gayon pa man, tumangging magbayad ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa saksakin at mapatay ng suspek.

Show comments