^

Probinsiya

3 Indonesian seamen nasagip

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Tatlong tripulanteng Indonesian ang nasagip ng mga mangingisda makaraang masiraan ang kanilang tugboat sa karagatan ng Sitio Laoag, Brgy. Maloma sa bayan ng San Felipe, Zambales kamakalawa.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Edgardo Ladao, director ng Police Regional Office 3, kinilala ang mga nasagip na dayuhan na sina Firman Ichsandy, Jam Hari at isang tinukoy lamang sa palayaw na Aseng na pawang gutom na gutom at nanghihina sa matinding uhaw at pagod.

Ang tatlo na bahagi ng 11 man crew ng T. B. Harlina 3, na lulan ng Indonesian tugboat na pag-aari ni Borneo Karya Sadir ay namataan at nasagip ng mangingisdang si Ramon de la Cruz ng San Felipe matapos na mapadaan sa bahagi ng nasabing karagatan dakong alas -9 ng umaga.

Lumilitaw na naglayag ang tugboat mula sa Indonesia noong Huwebes (Agosto 9) patungong China nang balyahin ng malalakas na alon kaya nasira ang sasakyang pandagat at nagpalutang-lutang sa karagatan.

Nabatid na may 10-araw na palutang-lutang sa karagatan ang tatlo kung saan napadpad  sa bahagi ng San Felipe hanggang sa masagip.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang lokal na pulisya sa Bureau of Immigration and Deportation upang matulu­ngan ang tatlo na makabalik sa kanilang bansa.

AGOSTO

BORNEO KARYA SADIR

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CHIEF SUPT

EDGARDO LADAO

FIRMAN ICHSANDY

JAM HARI

POLICE REGIONAL OFFICE

SAN FELIPE

SITIO LAOAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with