Pekeng opisyal ng CIDG, dakma

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 49-anyos na babaeng nagpanggap na opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos madakma sa inilatag na entrapment operation sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Supt.Lailene Amparo ang suspek na si Jocelyn Mendoza ng Barangay Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Naglutangan naman sa himpilan ng pulisya ang mga naging biktima na sina Joel Valdez, Alvin Dela Cruz, Ma. Cecilia Julian, Rosalie Mago, Agnes Roja, Jill Iesen Dela Cruz, Cenon Soriano, Natividad Barja, Bennie Labastida at si Salvador Dela Cruz. Ang suspek ay nagpapakilalang si Lt. Col. Mendoza ng CIDG at PDEA bago hihimukin ang mga biktima na magbigay ng malaking halaga para sa pagsasanay sa Barangay Sta. Isabel sa Malolos City para maging agent.

Show comments