^

Probinsiya

Batang Amerikano nasagip, 2 kidnapper timbog

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang dalawang notoryus na miyembro ng kidnap-for-ransom gang kasunod ng pagkakaligtas sa 2-anyos na kinidnap ng mga itong batang Amerikano sa isinagawang follow-up o­perations sa Mabalacat, Pampanga kahapon ng u­maga.

Ayon kay Sr. Supt. Renato Gumban, Officer in Charge ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang nasagip na biktima na tumanggi nitong tukuyin ang pagkakakilanlan sa pakiusap ng pamilya nito ay anak ng US citizen na si Jayvee Woo.

Bandang alas-7:30 ng umaga ng masagip ng mga tauhan ni Gumban ang biktima malapit sa San Lorenzo Church sa Dau, Mabalacat ng lalawigan.

Ang biktima ayon kay Gumban ay kinidnap ng mga maskarado at armadong suspek matapos pasukin ang tahanan ni Woo sa San Fer­nando City noong Agosto 15 ng taong ito kung saan ay tinangay rin ng mga suspek ang portable vault na naglalaman ng mga mamahaling alahas at ang kulay abong BMW X3 ng pamilya sa kanilang pagtakas.

Samantalang humingi rin ng P50-M ransom ang mga kidnapper kapalit ng pagpapalaya sa bata hanggang sa mapapayag ang mga suspek na inisyal na P250,000.00 muna ang ibibigay na ransom na ide-deliver sa Dau, Mabalacat.

Lingid sa kaalaman ng mga kidnapper ay nakipag-ugnayan na ang pamilya Woo sa mga awtoridad na pumoste sa lugar.

Arestado sa payoff ang suspek na si Michael Roque ng San Carlos City, Panga­sinan at nabawi ang bata habang nasakote naman sa follow-up operation ang isa pang suspek na si Rogelio Ramos sa Dau Homesite sa bayan rin ng Mabalacat. Narekober naman ang kinarjack na SUV ni Mr. Woo sa kahabaan ng Friendship highway sa Angeles City.

vuukle comment

ANGELES CITY

ANTI-KIDNAPPING GROUP

DAU HOMESITE

GUMBAN

JAYVEE WOO

MABALACAT

MICHAEL ROQUE

MR. WOO

RENATO GUMBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with