^

Probinsiya

Lalaking ikakasal, ginilitan, pinutulan ng ari

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Brutal na pinaslang ang 50-anyos na lalaking nakatakdang ikasal  sa 20-anyos na dalagang may diperensya sa pag-iisip matapos gilitan bago putulan ng ari sa Silay City, Negros Occidental, ayon sa opisyal kahapon.  

Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Rosauro Francisco, director ng Silay City PNP, nadiskubre ang krimen bandang alas-10 ng umaga noong Miyerkules sa Hacienda San Rafael Ramon, Brgy. Guimbalaoan.

Base sa imbestigasyon, si Teofilo Sakite ay ipinagkasundong ipakasal bukas (Aug. 18) matapos itong maaktuhang nakikipag-sex sa nasabing dalaga ng mga magulang mismo nito.

Noong Martes ng gabi habang pauwi na si Sakite kasama ang ama-amahang si Tenorio Sakite at Shirley Gallano na ina naman ng dalaga nang harangin ng magtiyuhing kamag-anak ng dalaga na sinasabing tutol sa kasalan.

Gayunman, pansaman­talang hindi muna tinukoy ni Francisco ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

BRGY

GAYUNMAN

GUIMBALAOAN

HACIENDA SAN RAFAEL RAMON

NEGROS OCCIDENTAL

NOONG MARTES

ROSAURO FRANCISCO

SHIRLEY GALLANO

SILAY CITY

TENORIO SAKITE

TEOFILO SAKITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with