Utol ng kolumnista dinedo sa inuman

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 48-anyos na kapatid ng batikang kolumnista ng tabloid matapos itong pagtatagain ng tatlong mag-uutol sa inuman sa Barangay Longos sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Paulino Ambrocio, magsasaka, kapatid ng kolumnistang si Danilo “Ka Ambo” Ambrocio ng pahayagang Bulgar habang tugis naman ang mga suspek na sina alyas Tonio Cañete, Buboy Cañete at si Toto Cañete. Sa ulat nina SPO2 Romeo Silva at PO1 Roman Katipunan, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa mga suspek sa loob ng kubo. Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at braso ang biktima bago itinapon sa gitna ng palayan habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya 

Show comments