^

Probinsiya

6 sugatan sa pagserve ng warrant

Nina Randy Datu at Alex Galang - The Philippine Star

ZAMBALES, Philippines – Anim-katao kabilang ang limang pulis ang iniulat na nasugatan matapos maganap ang shootout habang isinisilbi ang arrest warrant laban sa notoryus na killer sa Muslim Community Area sa Barangay Matain, sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng hapon. Bandang alas-4 ng hapon nang mag-serve ng warrant of arrest ang mga pulis laban sa suspek na si Ali Nali kaugnay sa mga kasong murder kabilang ang pagpatay kay P01 Micahel Gangano. Ngunit bago pa man ma­kapasok sa compound ng MCA ay umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan anim ang mga pulis na nasugatan. Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga pulis na sugatan habang nakatakas naman ang suspek mula sa MCA sa gilid ng kilalang beach resort hotel.

vuukle comment

ALI NALI

BANDANG

BARANGAY MATAIN

MICAHEL GANGANO

MUSLIM COMMUNITY AREA

NGUNIT

PANSAMANTALANG

SUBIC

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with