Minultong killer ng GRO, sumuko

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kinonsensya at pagmumulto ang nagtulak sa 48-anyos na driver na sumuko sa pulisya upang harapin ang ginawang pagpatay sa magtiyahin sa Barangay Dist. 1, Cauayan City, Isabela kamakalawa.

 Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Ernando Oslog ng Alfonso Lista, Ifugao.

Inamin ng suspek na pinagtataga nito hanggang sa mapatay ang GRO na si Cristina Lapuz, 20, matapos siyang pagsabihan ng maaanghang na salita at hindi papasukin sa inuupahang kuwarto ng kanyang ka-live-in na si Lilibeth Lapuz.

Inamin din ng suspek na matapos niyang patayin si Cristina ay pinatay naman nito sa sakal ang 3-anyos na anak ng kanyang live-in na si Rainer Lapuz para tumahimik sa pag-iyak.

Tumakas patungong bayan ng Sta. Rosa ang suspek subalit halos mawalan ito ng katinuan sa pagmumulto sa kanya ng magtiyahin na dumadalaw sa kanyang panaginip.

Show comments