Tiyuhin nalunod sa pagsagip sa pamangkin

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 47-anyos na lalaki matapos malunod sa pagsagip sa kanyang pamangkin sa Pasdan River sa Barangay Madamba sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Insp. Mariano Coria, deputy chief sa Dingras PNP, ang biktima na si Andrew Batara habang nailigtas naman sa pagkalunod si Rudymar Batara, 4. Base sa police report, magkasamang naligo ang magtiyuhin sa nasabing ilog subalit tinangay ng malakas na agos ng tubig ang bata. Sinikap na sagipin ng biktima ang kanyang pamangkin subalit siya ang nilamon ng tubig-ilog.

Show comments