Lola dinedo ng akyat-bahay

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinaniniwalaang pinatay sa sakal ang 82-anyos na lola bago pinagnakawan ng akyat-bahay sa Sitio San Pablo, Barangay Joson sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi. Bandang alas-12 ng tanghali nang madiskubre ang bangkay ni Leonicia Obra na may palatandaang nanlaban bago tinodas sa sakal.

Nabatid na binisita ng anak na si Mercedes Cardenas ang kanyang ina na nag-iisang naninirahan sa kanilang bahay para kamustahin subalit patay na ito nang datnan.

Kaagad na humingi ng saklolo sa pulisya si Cardenas kung saan sinasabing pagnanakaw ang panguna­hing motibo.

Nagawang makapasok ng akyat-bahay matapos wasakin ang pinto sa kusina ng bahay kung saan nilimas ang P3,700 at ilang dokumento na pag-aari ng biktima.

Show comments