NUEVA ECIJA, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 48-anyos na driver na sinasabing sangkot sa pagpatay sa dalawang sibilyan matapos maaresto ng pulisya sa Barangay Valenzuela sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi. Kinasuhan ng double murder si Ernando Oslob na sinasabing pangunahing suspek sa pananaksak at pagpatay sa magtiyahing sina Cristina Lapuz, 21; at Renren Lapuz, 3, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa tala ng pulisya, ang magtiyahin ay pinaslang sa loob ng compd ng Isabela Left Transport Corp. sa Frenza Highway sa Cauayan City noong Sabado ng gabi (Agosto 5).