^

Probinsiya

Actor-politician, misis inakyat-bahay

- The Philippine Star

BATANGAS , Philippines – Sinamantala ang kasagsagan ng buhos ng ulan ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos pasukin at pagnakawan ang resthouse ng actor-politicain at maybahay nito sa Ba­rangay Malabrigo sa bayan ng Lobo, Batangas noong Linggo ng gabi.

Sa naantalang ulat ng pulisya, nabatid na pinagnakawan ang resthouse na tinutuluyan ng mag-asawang Board Member Christopher ‘Boyet’ de Leon at Sandy Andolong-de Leon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-2 ng madaling-araw habang natutulog ang mag-asawa ay sinasabing nakapasok ang mga kawatan sa bintana ng palikuran.

Natangay ng akyat-bahay ang pitaka ni Christopher na may P10,000, Guess wrist watch, dalawang Samsung Galaxy 2 na nakalagay sa tabi ng kama ng mag-asawa.

Nalimas naman kay Sandy ang cell phone, cash na P2,500 mula sa pitaka nito.

Sa salaysay ng actor sa pulisya, nagising siya bandang alas-3 ng madaling-araw upang magtungo sa palikuran at doon nakita ang bukas na bintana, sinara niya ito at muling natulog.

Bandang alas-3 ng hapon nang napansin na nawawala na ang mahahalagang gamit ng mag-asawa habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BANDANG

BATANGAS

BOARD MEMBER CHRISTOPHER

BOYET

LINGGO

MALABRIGO

NALIMAS

SAMSUNG GALAXY

SANDY ANDOLONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with