^

Probinsiya

Hapones ninakawan, 3 dakma

- The Philippine Star

CEBU CITY, Philippines – Tatlong magkakaibigang babae ang dinakma ng pulisya matapos pagnakawan ng malaking halaga at ari-arian ang kanilang kaibigang Hapones sa Barangay Pajo sa Lapu-Lapu City, Cebu noong Miyerkules ng hapon.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Marie Jane Alonzo, 20, ng Barangay Basak; Chona Pino, 22, ng Sangi New Road; at si Laniflor Taneo, 18, ng Barangay Babag.

Ang tatlo ay inaresto matapos magreklamo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Keni Chi Murasaki, 73, ng Tokyo, Japan.

Ayon sa biktima, nawawala ang kanyang relong Rolex (P50,000) at cash na 1 mil­yong Japanese yen (P534, 490) sa loob ng inuupahang apartment sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na bago maganap ang insidente ay nakitulog ang mga suspek sa kuwarto ng biktima.

Nabatid din na tuwing magtutungo sa ‘Pinas ang biktima ay nakikitulog ang mga suspek sa kanyang inuupahang apartment.

Sa rekord ng closed-circuit television camera, lumilitaw na ang tatlo ay lumabas ng apartment ng biktima bandang alas-4 ng madaling-araw ng Miyerkules.

Gayon pa man, inamin ng mga suspek ang krimen matapos marekober sa bahay ni Taneo ang 430,000 yen (P229,830) at Rolex ng biktima. Freeman News Service

BARANGAY BABAG

BARANGAY BASAK

BARANGAY PAJO

CHONA PINO

FREEMAN NEWS SERVICE

KENI CHI MURASAKI

LANIFLOR TANEO

LAPU-LAPU CITY

MARIE JANE ALONZO

MIYERKULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with