^

Probinsiya

81-anyos na lolo kinatay ng kapatid

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ang 81-anyos na lolo ng kanyang utol na lalaki matapos akusahang magnanakaw ng mga antigong kayamanan sa Barangay Bangag sa bayan ng Solano, Cagayan kamakalawa.

Animo’y kinarne ang katawan ng biktimang si Agustin Lorenzo, biyudo at magsasaka habang naaresto naman ang suspek na si Gaudencio Villanueva, 77, na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, inakusahan ni Gaudencio ang kanyang half brother na nagnakaw ng mga antigong kayamanan na kanyang itinago sa loob ng bahay.

Gayon pa man, nag-amok at sinugod ng suspek ang biktima kung saan namataan naman sa labas ng bakuran kaya walang habas na pinagtataga.

Sa salaysay ng suspek sa himpilan ng pulisya, inunahan lamang niya ang kanyang kuya na sinasabing nagbabalak siyang patayin para lubos na ma­nakaw ang mga old coins na kanyang itinatago sa kanilang tahanan.

Nabatid din na nauna nang kinulimbat ng biktima ang mga old coins sa loob ng kanyang bahay habang inihahanda na pulisya ang mga ebidensya para sa isasampang kasong kriminal laban sa suspek.

vuukle comment

AGUSTIN LORENZO

BARANGAY BANGAG

GAUDENCIO

GAUDENCIO VILLANUEVA

GAYON

KANYANG

NABATID

PINAGTATAGA

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with