Celfon repairman nilikida

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 23-anyos na celfon repairman matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob mismo ng shop nito sa Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng tanghali. Ayon kay P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, abala sa pagkukumpuni ng celfon ang biktimang si Joel Vita nang lapitan at ratratin sa dibdib, tiyan, at sa kamay. Patay na ang biktima nang isugod sa Kabacan Medical Specialist Center, ayon sa police report. Sa tala ng pulisya, si Vita ay ika-12 napatay sa shooting incident sa bayan ng Kabacan simula noong Hunyo 2012.

Show comments