2 itinumba dahil sa droga

PALAYAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang sibilyan ng mga di-kilalang kalalakihan sa loob ng kotse sa shoulder ng C5 Road, Sitio Old Alor­ma, Barangay Doña Josefa sa Palayan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Walter Castillejos, Nueva Ecija PNP director, kinilala ang dalawa na sina Said Benze Ali y Pulgencio, 38; at Mark Francis Lazaro y De Guzman, 18, kapwa nakatira sa Isla Extension, Barangay Bantug West, Science City of Muñoz.

Bandang alas-9:45 ng umaga noong Martes nang matagpuan ang dalawang bangkay sa loob ng itim na Toyota Corolla Altis (REY-823) na sinasabing nakarehistro sa pangalan ni Adan Angeles ng Purok 2, Barangay Bakal 3 sa bayan ng Talavera.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng cal.45 pistol at slug nito habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments