Cebu, Philippines - Dalawang Memorandum of Agreement ang nilagdaan nina Gobernador Gwen Garcia ng Cebu at Director Asis G. Perez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para paigtingin ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa ilegal na pangingisda.
Una nang nagtatag si Gov.Garcia ng Anti-Illegal Fishing Task Force na binubuo ng tatlong grupo upang sugpuin ang ilegal na pangingisda gamit ang dinamita, cyanide, ipinagbabawal na fishing net at iba pang pamamaraan.
Kabilang sa kasunduan ay ang tulong teknikal ng BFAR sa Team Eskina na haharang sa pagpasok sa pamilihan ng mga isda at iba pang produktong dagat mula sa illegal fishing.
Kasama sa apat ang mga lalawigan ng Iloilo, Negros Oriental at Masbate na ang mga gobernador ay dumalo sa Visayan Sea Forum na ginanap sa Iloilo noong Pebrero 2012.
Layunin ng summit na pagtibayin ang kooperasyon ng apat na lalawigan at ng iba’t ibang ahensiyan ng gobyerno laban sa illegal fishing para proteksiyunan ang yamang dagat.
Nagpahayag naman ng suporta laban sa illegal fishing ay ang Northern Cebu Commercial Fishing Operators Association at ang Bisayas Alliance of Fisherfolks and Operators for Reforms, Inc.