^

Probinsiya

Kampanya vs illegal fishing pinaigting

- The Philippine Star

Cebu, Philippines  - Dalawang Memorandum of Agreement ang nilagdaan nina Gobernador Gwen Garcia ng Cebu at Director Asis G. Perez ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para paigtingin ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa ilegal na pangingisda.

Una nang nagtatag si Gov.Garcia ng Anti-Illegal Fishing Task Force na binubuo ng tatlong grupo upang sugpuin ang ilegal na pangingisda gamit ang dinamita, cyanide, ipinagbabawal na fishing net at iba pang pamamaraan.

Kabilang sa kasunduan ay ang tulong teknikal ng BFAR sa Team Eskina na haharang sa pagpasok sa pamilihan ng mga isda at iba pang produktong dagat mula sa illegal fishing.

Kasama sa apat ang mga lalawigan ng Iloilo, Negros Oriental at Masbate na ang mga gobernador ay dumalo sa Visayan Sea Forum na ginanap sa Iloilo noong Pebrero 2012.

Layunin ng summit na pagtibayin ang kooperas­yon ng apat na lalawigan at ng iba’t ibang ahensiyan ng gobyerno laban sa illegal fishing para proteksiyunan ang yamang dagat.

Nagpahayag naman ng suporta laban sa illegal fishing ay ang Northern Cebu Commercial Fishing Operators Association at ang Bisayas Alliance of Fisherfolks and Operators for Reforms, Inc.

vuukle comment

ANTI-ILLEGAL FISHING TASK FORCE

BISAYAS ALLIANCE OF FISHERFOLKS AND OPERATORS

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CEBU

DALAWANG MEMORANDUM OF AGREEMENT

DIRECTOR ASIS G

GOBERNADOR GWEN GARCIA

ILOILO

NEGROS ORIENTAL

NORTHERN CEBU COMMERCIAL FISHING OPERATORS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with