^

Probinsiya

Lider ng Lumad itinumba

- Malu Cadelina Manar - The Philippine Star

KIDAPAWAN CITY, Philippines  - Nasawi noon din ang isang lider ng mga katutubong Lumad matapos itong brutal na paslangin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Datu Libontos Ansabu ng Brgy. Ganatan sa bayang ito.

Sinabi ni 1st Lt. Tony Bulao, hepe ng Civil Military Operations ng Army’s 602nd Infantry Brigade, dakong alas-6 ng umaga ng pasukin ng mga armadong rebelde ang bahay ni Ansabu kung saan binugbog ito sa harapan ng kaniyang mga anak saka kinaladkad at pinagbabaril.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na niresbakan ng mga rebelde ang biktima na dati nilang kasapi sa loob ng mahabang panahon bago sumurender sa gobyerno noong dekada 90. Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebeldeng responsable sa insidente.

ANSABU

ARAKAN

BRGY

CIVIL MILITARY OPERATIONS

DATU LIBONTOS ANSABU

GANATAN

INFANTRY BRIGADE

KINILALA

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

TONY BULAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with