^

Probinsiya

Konbersyon ng Cabanatuan, iprinoklama

- The Philippine Star

Manila, Philippines - Iprinoklama na ni Pa­ngulong Benigno Simeon Aquino III ang konbersyon ng Cabanatuan bilang Highly Urbanized City (HUC). Ang Cabanatuan ay isang ‘component city’ ng Nueva Ecija na sentro ng edukasyon, pagamutan at kalakalan sa Gitnang Luzon.

Ayon sa Proclamation No 438 na may petsang Hulyo 4, 2012 na ipinalabas ng Malacañang, ang nasabing proklamasyon ay magkakabisa lang kung ito ay ra­ratipikahan o pagtitibayin ng mga mamamayan ng Cabanatuan sa isang plebisito na itatakda ng Comelec.

Marapat lang nagawing HUC ang Cabanatuan dahil ito ay nakatugon naman sa mga rekisitos na nakasaad sa Section 452 ng Local Government Code (LGC) of 1991, sabi ng Pangulo.

Aniya, isang polisiya ng pamahalaang nasyonal na suportahan ang mga pamahalaang lokal sa kanilang layunin at hakbangin na lubos na umunlad ang kanilang nasasakupang bayan o siyudad. Sa kasalukuyan ang lungsod ay nasa ilalim ng pamamahala ni Mayor Julius Cesar “Jay “ Vergara.

ANG CABANATUAN

ANIYA

BENIGNO SIMEON AQUINO

CABANATUAN

GITNANG LUZON

HIGHLY URBANIZED CITY

LOCAL GOVERNMENT CODE

MAYOR JULIUS CESAR

NUEVA ECIJA

PROCLAMATION NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with