^

Probinsiya

3 sekyu patay sa bank robbery

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang tatlong security guard habang isa namang sibilyan ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga holdaper na nanloob sa isang bangko sa Lucena City kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Quezon Police Provincial Director Supt. Valeriano de Leon, dakong alas-3:05 ng hapon ng holdapin ng mga armadong suspek ang sangay ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa harapan ng Saint Ferdinand Cathedral sa lungsod na ito.

Agad umanong pinagbabaril ng mga suspek ang tatlong guwardiya ng bangko na nasawi sa insidente na kinilalang sina Roldan Consigna, Joel Barrameda; pawang dead-on-arrival sa Quezon Memorial Hospital at Marlo de Guzman na binawian ng buhay sa Mt. Carmel Hospital. Walang nagawa ang mga teller ng bangko matapos na tutukan ng baril ng mga holdaper na inatasang ilagay sa bag ang pera sa vault ng bangko.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang panghoholdap bago mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga suspek.

vuukle comment

GUZMAN

JOEL BARRAMEDA

LUCENA CITY

MT. CARMEL HOSPITAL

QUEZON MEMORIAL HOSPITAL

QUEZON POLICE PROVINCIAL DIRECTOR SUPT

ROLDAN CONSIGNA

SAINT FERDINAND CATHEDRAL

UNITED COCONUT PLANTERS BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with