^

Probinsiya

Kaliweteng gf nilikida

- Boy Cruz - The Philippine Star

BALIUAG, Bulacan, Philippines – Dahilan umano sa kataksilan, isang 16 anyos na babaeng service crew ang pinagbabaril at napatay ng sa isa nitong nobyo na ikinasugat rin ng dalawang katao sa isang lugar sa bayang ito kahapon.

Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang itinago sa pangalang Solenn, service crew ng Minute Burger at residente ng Brgy. Tarcan.

Kasalukuyan namang ginagamot ang mga sugatang sina Alfie San Diego 18, residente ng Brgy. Poblacion at bystander na si Ryan Santos 27, driver ng Brgy.Pinagbarilan pawang sa bayang ito.

Sa follow-up operation, arestado naman ang suspek na si Phillip Enriquez, 36, vendor at nakatira sa Employee’s Village A,U.P.Diliman Compound, Quezon City .

Base sa imbestigas­yon ni P/Supt.Rizalino Andaya alas-3:45 ng hapon, kasalukuyang naglalakad ang biktima habang hawak kamay ang isa pa nitong boyfriend na si San Diego sa isang lugar sa Tarcan-Concepcion Road sa na­turang bayan ng biglang dumating ang suspek na boyfriend din ng biktima sakay ng isang Yamaha MIO Sporty (9177- CB) at agad na binunot ang isang .45 kalibre ng baril saka pinaputukan ang mga biktima habang nadamay ang driver na si Santos. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

ALFIE SAN DIEGO

BRGY

DILIMAN COMPOUND

MINUTE BURGER

PHILLIP ENRIQUEZ

QUEZON CITY

RIZALINO ANDAYA

RYAN SANTOS

SAN DIEGO

TARCAN-CONCEPCION ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with