'Holdaper' pinabulagta ng kabaro

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa kanilang modus operandi kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 43-anyos na mister ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Ronald Tomenio ng Barangay Muzon habang sugatan naman ang 41-anyos na sibilyang si Bernardo Verona na naisugod sa Ospital ng Lunsod ng San Jose Del Monte. Base sa ulat ni SPO1 Abraham Fernandez, lumilitaw na nagkatabing nagkaka y krus sina Tomenio at Verona kasama ang ilang kalalakihan nang lapitan at ratratin. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay sinasabing sangkot sa bawal na droga at serye ng holdapan kaya pinaniniwalaang isa sa kanyang kasama sa modus operandi ang pumatay.

Show comments