Presidente ng ABC, anak dedo sa tandem

COTABATO CITY, Philippines – Napaslang ang presidente ng Association of Barangay Chairman (ABC) at anak nito matapos ratratin ng ri­ding-in-tandem sa bisinidad ng Poblacion sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao kahapon ng umaga.

Napuruhan sa ulo at dibdib ang mag-amang sina Konsehal Dennis Ali, at Satol Ali, kapwa nakatira sa Barangay Kalipapa sa nasabing bayan.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Marcelo Pintac, director ng Maguindanao Provincial PNP, ang mga biktima na lulan ng service vehicle nang tabihan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagpapagasolina bandang alas-10 ng u­maga.

Hindi naman naplakahan ang motorsiklo at ma­ging ang pagkakakilanlan ng gunman na naka-helmet.

Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa politika ang pamamaslang sa mag-ama.

Show comments