^

Probinsiya

500 residente nagsilikas, 5 rebelde tiklo

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Umaabot sa 525 residente ang nagsilikas  sa takot na maipit sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng Philippine Army at ng  New People’s Army (NPA) habang lima namang rebelde ang nasakote sa bayan ng Surallah, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala  ni Captain William Alfred Rodriguez, civil military operations officer ng Army’s 1002nd Infantry Brigade ang mga nasakoteng rebelde na sina Julius Amahado, sugatan; Genevic Sundo, Michelle Nuay Ligar, Aldrin Condiman at si Jonicel  Panalisan.

Nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng militar hinggil sa puwersahang pa­ngingikil ng mga rebelde sa mga residente partikular na sa mahihirap na magsasaka.

Ayon kay Rodriguez, dakong alauna ng hapon nang makasagupa ng militar ang mga rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Colongolo.

Nagkaroon naman ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at ng mga rebelde na tumagal ng ilang minuto hanggang sa makorner ang lima sa mga kalaban na inabandona ng mga nagsitakas na kasamahan.

Nabatid na 70-80 % ng mga residente sa lugar ay mula sa hanay ng mga ma­ralita at mga katutubo.

Samantala, bunga ng bakbakan ay napilitang magsilikas ang nasa 100 pamilya o kabuuang 525 residente sa takot na madamay.

Ang mga ito ay pansamantalang kinukupkop sa Colongolo National High School na nagsilbing evacuation site.

BARANGAY COLONGOLO

CAPTAIN WILLIAM ALFRED RODRIGUEZ

COLONGOLO NATIONAL HIGH SCHOOL

GENEVIC SUNDO

INFANTRY BRIGADE

JULIUS AMAHADO

MICHELLE NUAY LIGAR

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with