^

Probinsiya

Debate sa SONA ni P-Noy: 23-anyos dedo

- Mer Layson - The Philippine Star

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines - Napatay ang 23-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng kanyang kainuman kamakalawa ng gabi sa Antipolo City, Rizal dahil sa matinding debate sa magiging State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes.

Kinilala ni P/Supt. Rodino Elfa, hepe ng Antipolo City PNP ang biktima na si Herbert Eder Baleos ng Sitio Tibagan, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Samantala, tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Elmer Sanchez, may asawa, construction worker, ng Sitio Langkahan, Barangay San Salvador sa bayan ng Baras, Rizal.

Lumilitaw na magkasamang nag-iinuman ang dalawa at ilang kaibigan sa Sitio Tibagan sa Barangay San Jose nang mag-debate sa sasabihin ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA.

Nabatid na pinuri ng biktima si P-Noy dahil sa marami ng nagawang kabutihan sa publiko sa loob ng dalawang taon nito sa panunungkulan.

Subalit kinontra ng suspek dahil wala pa namang napapatunayan ang Chief Executive at hanggang ngayon ay naghihirap pa rin ang maraming Pinoy.

Dahil sa magkaibang reaksiyon at pananaw ng dalawa ay humantong sa mainitang pagtatalo hanggan sa ratratin ng suspek ang biktima na kapwa lango na sa alak.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN JOSE

BARANGAY SAN SALVADOR

CHIEF EXECUTIVE

ELMER SANCHEZ

HERBERT EDER BALEOS

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RIZAL

SITIO TIBAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with