MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang habang isa namang sundalo ang nasugatan sa magkahiwalay na sagupaan sa bayan ng Magpet, Cotabato kamakalawa. Ayon kay Commodore Santiago Nebres, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command, dakong alas -10 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB) ang may 40 NPA rebels sa Brgy. Amabel ng bayang ito. Sa nasabing engkuwentro ay napatay ang dalawang rebelde na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan. Ilang saglit pa, nakasagupa naman ng mga sundalo ang may 30 pang rebelde sa Brgy. Bagumbayan.Sa kasagsagan ng putukan ay nasugatan ang isang sundalo.