7 dakma sa pot session

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagkasan ng pitong sibilyan matapos maaresto ng pulisya sa pot session sa loob ng palengke kahapon ng madaling-araw sa dalawang lungsod sa lalawigan ng Bulacan. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Maritess “Tetet” Almazan ng Brgy. Pantoc, Meycauayan City; Renato Avillanosa Jr., Eric Fidelino, kapwa nakatira sa Brgy. Kaypian; Raul Mendoza, Christian Benedict Reyes, Eduardo Santiago, at si Jonathan Tejero na pawang nakatira sa San Jose Del Monte City. Nasamsam sa mga suspek ang P9,000 halaga ng shabu, weighing scale, at ilang drug paraphernalias.

Show comments