CARRANGLAN, Nueva Ecija , Philippines– Tinatayang aabot sa 10-toneladang raw material na copper ore na nakalulan ng truck ang nasamsam ng awtoridad sa Sitio Logpond, Barangay General Luna sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Ayon sa ulat, bandang alas-2 ng hapon nang matunton ng pangkat ng anti-illegal mining ang inabandonang truck (UJL332) na kargado ng copper ore na nagkakahalaga ng P.7 milyon sa merkado. Personal na nasaksihan nina Carranglan Mayor Carmencita Natibo-oc, Fr. Ariel Capuyon ng St. Nicolas Parish, Chairman Mauricio Baltazar ng Barangay Gen. Luna, ang pagkumpiska sa kontrabando. Inaalam ng mg awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng kontrabando na inabandona sa nabanggit na barangay.