Chairman ng asosasyon itinumba

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 44-anyos na chairman ng bus association makaraang barilin ng di-kilalang lalaki sa public market sa Cavite City, Cavite kahapon ng madaling araw. Napuruhan sa ulo si Wilson Agana, chairman ng Mini Bus Association at nakatira sa Barangay 57, Plaridel Street, San Roque, Cavite City. Sa ulat ni PO2 Jonathan Baclas, nakaupo ang biktima sa harap ng tindahan ng mga gulay sa palengke nang lapitan at putukan ng baril sa ulo.

Show comments