^

Probinsiya

Holdaper dedo sa shootout

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napatay ang notoryus na holdaper na responsable sa panghoholdap at pagpatay sa pulis matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Tangub City, Misamis Occidental kamakalawa.

Sa ulat ni P/Senior Inspector Danilo Balmes, chief ng CIDG Misamis Occidental, si Gervacio Gulahab, 24, ay pangunahing suspek sa pamamaril at pagpatay kay SPO1 Jaime de la Cruz ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office sa Barangay Uno noong nakalipas na linggo.

Base sa tala ng pulisya, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawang De la Cruz nang ratratin ng tandem kung saan tinangay ang P50,000 cash at dalawang cellphone ng mag-asawa. 

Gayunpaman, natukoy si Gulahab ng mga testigo sa isinagawang imbestigasyon kaya inilatag ng CIDG ang operasyon.

Bandang alas-2 ng hapon noong Lunes ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagsusugal si Gulahab sa bisinidad ng Barangay Manga.

Sa halip na sumuko ay nakipagpalitan ng putok si Gulahab na nauwi sa shootout hanggang sa mapatay ito kung saan narekober naman ang cal. 45 pistol na may apat na bala.

vuukle comment

BARANGAY MANGA

BARANGAY UNO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRUZ

GERVACIO GULAHAB

GULAHAB

MISAMIS OCCIDENTAL

SENIOR INSPECTOR DANILO BALMES

SUR POLICE PROVINCIAL OFFICE

TANGUB CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with