^

Probinsiya

3 hepe ng PNP sibak sa illegal gambling

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlong hepe ng pulisya na nakabase sa General Santos City ang sinibak sa puwesto kaugnay ng pinalakas na one strike policy ng liderato ng Philippine National Police (PNP) laban sa illegal gambling.

Ito ang kinumpirma kahapon ng tagapagsalita ng PNP na si P/Chief Supt Ge­neroso Cerbo Jr., base sa kautusan ni General Santos City PNP director P/Senior Supt. Cedric Train ng Regional Office 12.

Kabilang sa mga pinatalsik sa puwesto ay sina P/Chief Inspector Leo Sua ng PNP Station 1; P/Chief Inspector Samuel Cadungon ng PNP Station 2 at si P/Inspector Hoover Antonio ng PNP Station 6.

Ang pagkakasibak sa tatlong hepe ng pulisya ay resulta ng one strike policy ng PNP kung saan nabigong masawata ang illegal gambling sa kanilang nasasakupang lugar.

“The three cops were undergoing pre-charge evaluation,” anang opisyal.

Nabatid na nakatanggap ng ulat ang PRO 12 hinggil sa kapabayaan ng nasabing mga opisyal kaya namayagpag ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon.

Kasabay nito, muli namang nagbabala ang liderato ng PNP laban sa mga pulis na panatilihin ang disiplina at paigtingin ang operasyon laban sa lahat ng uri ng illegal gambling.

vuukle comment

CEDRIC TRAIN

CERBO JR.

CHIEF INSPECTOR LEO SUA

CHIEF INSPECTOR SAMUEL CADUNGON

CHIEF SUPT GE

GENERAL SANTOS CITY

INSPECTOR HOOVER ANTONIO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with