Bus vs bus: 1 dedo, 50 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Isa ang nasawi habang 50 naman ang nasugatan makaraang magkarambola ang dalawang pampasaherong bus sa national highway ng Barangay Rissing sa bayan ng Bangar, La Union kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Valentino Abenojar, deputy chief ng pulisya, ang nasawi na si Phillip Quitoriano, 34, ng Cauayan, Ilocos Sur. Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang driver na si Tommy Sosias, 40, ng Cabugao, Ilocos Sur at bumaliktad sa palikong bahagi ng kalsada. Dito na tinumbok ang kasunod na bus ni Generoso Macasae, 52, ng Barangay Pantar, Balaoan, La Union. Nabatid na kapwa pag-aari ng Partas Transportation Co., Inc. ang dalawang bus.

Show comments