5 inararo ng truck, todas
MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang sugatan makaraang suyurin ng cargo truck na nawalan ng preno sa Purok 2, New Carmen, Tugbok District, Davao City kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina Patricio Daclan ng Sitio Tandawan, Barangay Magtuod; Aurello Lanutan ng Purok 2, New Carmen; Rey Hain ng Matina; Guillermo Batac ng New Carmen; at si Romeo Dora ng New Carmen. Sugatan naman sina Jessie Dela Torre, Felipe Magallanes, Mandayumpa Suhay, at si Jerry Enanod na pawang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center. Ayon kay P/Senior Supt. Ronald Dela Rosa, hepe ng Davao City PNP, lumilitaw nawalan ng preno ang Isuzu cargo truck (GED-452) ni Delmar Camanse kaya nahagip ang mga biktimang nakatayo malapit sa dumpsite.
- Latest
- Trending