MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang bata na iginapos saka sinunog nang buhay sa abandonadong bahay sa Barangay Talon Talon sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang mga nasawi na sina John Larry Mendoza, 9, at Jessiedel Manalo, 11, ng Barangay Tugbungan. Base sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na nangungulekta ng bote at plastic ang mga bata nang pasukin nila ang abandonadong bahay na pag-aari ng suspek na si Alfred Miranda. Nagalit si Miranda sa dalawa kaya isinagawa ang krimen habang nasakote naman ang suspek at itinanggi ang krimen.