14-anyos dalagita, nagbigti

CAVITE, Philippines - Pinaniniwalaang depresyon ang isa sa motibo kaya nagbigti ang 14-anyos na dalagita sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Zapote 2, Bacoor, Cavite, kamakalawa. Bandang alas-4 ng hapon nang matagpuang nakabitin sa kisame ang biktimang si Cherryzel Naños, estudyante ng Las Piñas National High School at nakatira sa Topaz Street ng nasabing barangay. Lumabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na nagkahiwalay ang mga magulang ng biktima kung saan dinamdam ng biktima. Sinasabing isa rin sa nagtulak sa biktima para mag-suicide ay nang sermunan siya ng ama sa tuwing hihingi ito ng pera.

Show comments