^

Probinsiya

Mister tiklo sa pekeng gold bar

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 42-anyos na mister matapos arestuhin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng pekeng gold bar  sa bayan ng Palauig, Zambales. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Domingo Salazar ng  Barangay Salaza sa nasabing bayan. Nabatid na nagkakilala ang suspek at Rosalyn Belarga sa pamamagitan ng kanilang kaibigan kung saan nakumbinsi nito ang biktima na mag-invest sa bilihan ng  bara ng ginto. Binigyan ng suspek si Belarga ng mga ginto na ipinasuri naman nito sa pawnshop at lumabas na tunay. Mabilis namang nagtiwala ang biktima kaya nagbigay ito ng P.1 milyon sa suspek kung saan muling nagbigay ng gold bar subalit lumitaw na peke. Dito na kinompronta ni Belarga ang suspek na sinasabing muling hinimok nito ang babae na magbigay ng P.5 milyon upang makuha ang tunay na  gold bar. Lingid sa kaalaman ng suspek ay hu­mingi ng tulong si Belarga sa NBI  kaya inilatag ang entrapment operation.

vuukle comment

BARANGAY SALAZA

BELARGA

BINIGYAN

DITO

DOMINGO SALAZAR

LINGID

MABILIS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROSALYN BELARGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with