9-anyos ni-rape, ginilitan ng adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 9-anyos na nene matapos itong gahasain ay ginilitan pa ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa liblib na bahagi ng Barangay Sitio Lantik, Barangay Guinlajon sa Sorsogon City, Sorsogon kahapon ng umaga. Bandang alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktimang si Rica Jane Herrera, Grade 4 at nakatira sa Sitio Rangas sa nabanggit na barangay. Nabatid na hindi na nakauwi ang biktima mula sa paaralan na may kalayuan sa kanilang tahanan. Pinaniniwalaang inabangan ng suspek ang naglalakad na biktima bago isinagawa ang krimen. Walang saplot ang biktima at nilaslas pa ang leeg nang iwanan ng di-kilalang lalaki na sinasabing nasa impluwensya ng droga.

Show comments