Bus tumagilid: 18 sugatan

QUEZON, , Philippines  – Labingwalo sa 23 pasahero ang iniulat na nasugatan matapos mawalan ng preno at tumagilid ang pampasaherong bus sa highway ng Barangay Sila­ngang Malicboy sa bayan ng Pagbilao, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief Inspector Arvin de Asis, hepe ng Pagbilao PNP ang mga biktimang sina Carmen Aguila Robledo, Grace Besa Pachica, Nora Dometita Euna, Hanabella Dangatao Roco, Emillano Alpato, Manely Asico Del Ayre, Amellia Moll Manalo, Rogelio Rogero Flojo Jr., Manuel Habitan Jerus, Bonifacio Rosana Apanta, Haydee Jacob Belen, Roderick Coronel Asor, Sandee Balila Fabiano, Quirino Guiruiela Biag Jr., Rosalie Ann Prila Biag, Joane Vasquez Padolina, Dionisio Sanos Queppet, at si Sandy Briones, driver ng bus.

Sa ulat nina  PO3 Allan Falqueza at PO2 Darwin Balisalisa, bumabagtas ang Philtranco Bus (EVJ 973) ni Sandy Briones patu­ngo ng Pasay City mula sa Naga City nang mawalan ng preno.

Pinilit ni Briones na humanap ng lugar upang isadsad ang bus sa gilid ng bundok upang maiwasang mahulog sa bangin kung saan tumagilid naman ang sasakyan.

Naisugod naman sa Jane County Hospital ang mga sugatang biktima.

Show comments