Away-trapiko: Ex-Army dedo sa pulis

BATANGAS, , Philippines  - Patay ang retiradong sundalo ng Phil. Army habang sugatan naman ang isang pulis matapos magduelo ang dalawa dahil lamang sa away-trapiko sa bayan ng Lemery, Batangas kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Ins­pector Ricardo Dalmacia, hepe ng Lemery PNP ang nasawing biktima na si Genaro Mercado ng Barangay Payapa sa nabanggit na bayan

Samantala, sugatang ginagamot sa Caysasay Medical Center si PO2 Rodolfo De Villa, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Calaca, Batangas.

Ayon sa police report, sakay ng Toyota Revo na may plakang XGT-298 si Mercado habang sakay naman ng Nissan Urban (XTT-911) si PO2 De villa nang magkagitgitan sa kahabaan ng A. Bonifacio St. sa Barangay Maguihan bandang alas-3:30 ng hapon.

Unang bumaba ng sasakyan si PO2 De Villa para komprontahin pero namataan si Mercado na may baril kaya nagpalitan ng putok ng baril ang dalawa na ikinamatay ng retiradong sundalo kung saan nadap­lisan naman sa siko at ulo ang pulis. 

Show comments