^

Probinsiya

Honor pupil todas sa rape, itinapon sa balon

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines - Karuma-ldumal ang sinapit ng isang 2nd year high school honor student matapos halayin saka paslangin at pagkatapos ay inilagay pa sa isang balon sa Brgy. Tigbawan, Tabuelan, Cebu kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Juliana Lahoylahoy, maglalabing-apat na taon na sana sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa darating na Martes (Hul­yo 17) at honor student sa San Remigio National High School.

Sa ulat ni Inspector Ro­berto Hugo, officer-in-charge ng Tabuelan Police, dakong alas-8 ng umaga nang ma­tagpuan ng kaniyang kapatid na lalaking si Jonie Lahoylahoy ang bangkay ng biktima na punit-punit ang damit pang-ibaba maging ang suot na sando at nakapulupot sa leeg ang duguang t-shirt nito at itinapon pa sa isang natigang na balon sa Sitio Dalinson, Brgy. Tigbawan ng bayang ito.

Ang biktima ay noon pang nakalipas na Huwebes napaulat na nawawala matapos mabigong makauwi ng kanilang tahanan kaya inireport ito sa pulisya ng kanyang 61-anyos na amang si Romendo Lahoylahoy.

Ayon sa opisyal, ang lugar na kinatagpuan sa biktima ay masukal at mahigit sa dalawang kilometro ang layo mula sa tahanan ng dalagita. 

Bukod sa wasak ang ari, nabatid na ang bangkay ng biktima ay kinakitaan ng mga bakas ng kamay sa leeg na palatandaang sinakal ito ng mga salarin habang nakagapos naman ang kaniyang mga kamay ng plastic straw sa likuran at tadtad rin ng mga pasa at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng mga awtoridad, da­lawa hanggang tatlong lalaki ang lumapastangan sa biktima na hinarang umano noong Huwebes ng hapon habang pauwi ng kanilang tahanan. 

vuukle comment

BRGY

HUWEBES

INSPECTOR RO

JONIE LAHOYLAHOY

JULIANA LAHOYLAHOY

ROMENDO LAHOYLAHOY

SAN REMIGIO NATIONAL HIGH SCHOOL

SITIO DALINSON

TABUELAN POLICE

TIGBAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with